10 4 / 2012

tumblrbot asked: WHAT IS YOUR EARLIEST HUMAN MEMORY?

3 years old. :D

10 4 / 2012

Weak </3

Di ko alam pano uumpisahan to. Maybe I will just say things randomly. Di na sunod sunod. Masabi sabi. Haha! Iba lang kasi ang feeling ko ngayon. I feel like crying. ;’(

Di ko alam kung bakit pa nauso ang pag-ibig na yan. At sa lahat ng nauso, yan ang hindi nalaos. Napakasarap pag nakuha, pero napakasaklap pag nawala. Miserable pag naloloko ka. Nakakasira naman ng ulo pag niloloko ka, nang hindi mo alam.

Sino ba ang eksperto sa pag ibig para makasangguni ako? :D Oo. Magbabayad naman ako. :P Saan ba nakatira si Dr. Love? O paano sya tawagan sa radyo? Ano nga ba ang estasyon nya para makapakinig minsan? Haha!

Madaming tanong sa isip ko..

  • Seryoso ba yun?
  • Totoo kaya sinasabi nya?
  • Kung mahal ka nga nya talaga, ba’t di sya sumusunod sa gusto mo?
  • Kung ayaw ka nya mawala, ba’t ganun na lang kadali sa kanya magtanong kung “Ayaw mo na ba?”.
  • Kung ikaw lang ang mahal nya, ba’t di mo yun makita? Puro dinig lang.

Sino ba makakasagot nyan? Siguro walang iba kundi sya, at ako. Maaaring may makatulong, pero ang makasagot ng tama, wala kundi s’ya.

Sa oras na ‘to, hindi ko alam kung nagpapaloko ako o nakikisabay makipaglokohan. Kung nadadaya ako o nakikipagdayaan lang din. Kung totoo ba ‘to o totoo sa panaginip. :D Komplikado ang mga bagay. Yung iba, mapapaliwanag. Yung iba, kahit ipaliwanag, malabo pa din ang labas.

Wala na nga siguro patutunguhan tong mga sinasabi ko. HAHAHA! Gusto ko lang kasi malaman kung “tuloy” ba o “tigil” na. Patulong naman ohh! Majority wins! ^^ Walang sisihan. Masaktan na masasaktan. :D Talo talo na to! HAHHAHA! 

Abnormal na sulat ng abnormal na nagsusulat. Hintayin ko na lang ang tinig nyo. :P 

Ciao! ^^